top of page

Totoo ba na kikita ka ng mahigit 25,000 sa app na ito? Jewel Mystery: Gem Rush Review


Nadiskubre ko ang Jewel Mystery sa isang advertisement, ayon dito maari mong makuha ang naipon mong pera mula sa laro na ito sa pamamagitan ng Bitcoin, sa loob lamang ng 24 oras.


Mukhang maari din akong makakuha ng pera gamit ang aking PayPal account, dahil makikita ang logo na ito sa mismong patalastas, kaya nais ko itong subukan at patunayan. Totoong pera nga ba talaga ang mapupunta sa account ng mga players. Talaga bang kikita ako dito sa loob lang ng 24 oras? Legit ba talaga ito o fake? Alamin natin!


Ano nga ba ang Jewel Mystery?

Ang Jewel Mystery ay isang simpleng laro, kung saan kinakailangan mong pagsamahin ang mga magkakaparehong simbolo upang makabuo ng 3 o higit pang pares. Bawat simbolo na iyong na-match ay may katumbas na cash rewards.


Para makapaglaro, kailangan meron kang tatlo (3) o higit pang magkaparehong gems. Pagsamahin lamang ang mga gems na ito upang ito ay maging mas mataas na lebel, maari din itong maging diamonds.


Ang iyong makokolektang rewards sa larong ito ay maari mong makuha bilang cash gamit ang PayPal o gift cards na maaring magamit sa Amazon.


Pwede itong ma-download mula sa Google Play Store, kung mayrooon na itong mahigit sa 1 milyong download.


Paano laruin ang Jewel Mystery?


Sa simula ng laro ay magkakaroon ka ng worth 500 PHP na bonus, pindutin lang ang "Claim" button at panuorin ang video na lalabas.


Kada araw ay palaki ng palaki ang iyong makukuha sa sign-in bonus, hanggang sa umabot ito sa Ang sign-in bonus ay nadadagdagan kada araw, hanggang umabot ito sa 5,000 PHP sa loob ng pitong araw.


Kada gems na iyong ma-merge ay katumbas ng 5 PHP na maidadagdag sa balanse ng iyong account.

Bukod pa dito, kada match na iyong magagawa ay mapupuno ang Progress Line. Makukumpleto mo ang level sa oras na ito ay mapuno na.

Kapag tumama sa star ang progress bar, bibigyan ka ng Jewel mystery ng malaking pa-premyo kapag pinindot mo ang “Claim” button at pinanuod ang video.

Pagkatapos mong ma-clear ang level, pwede kang mag-spin at manalo ng hanggang 4 na Paypal cash rewards.

Paano i-withdraw ang iyong funds?

Pwedeng makuha ng mga players ang kanilang pera sa Paypal pagkatapos ng 24 oras nang walang minimum cashout requirement.

Ang mga players na nakakolekta ng 25,000 PHP ay pwedeng makapag cash out agad.

Pwede ka rin makapag-redeem ng Amazon Gift Cards kapag ang iyong balanse ay umabot na sa 50,000 PHP.

VIP Membership

Ang Jewel Mystery ay nagpo-provide ng mga benepisyo para sa mga miyembro ng kanilang VIP Program, maari mong ma-enjoy ang mga benefits tulad ng: No ads, 20 lucky coins daily at iba pang mga rewards.


Ang memebership na ito ay nagkakahalaga ng £4.99 kada lingo, pwede mo din itong subukan ng libre sa loob ng tatlong araw.



Legit ba ang Jewel Mystery? Makakakuha ba talaga ako ng pera dito?


Ang sagot ay: HINDI! Ibinubulsa lamang ng developer ng Jewel Mystery ang lahat ng nakukuha nitong revenue mula sa advertisements.


Aakitin ka nila na manuod ng maraming commercials kapalit ng virtual cash na hindi mo naman mai-coconvert sa totoong pera.

Kalahating oras lang ang kailangan para makabuo ka ng 500$ at lalabas ang confirmation button. Pagkatapos mo itong pindutin at ilagay ang iyong Paypal email address, bubungad sayo ang susunod na page na may nakakadismayang balita.

Nakalagay dito na ang iyong order ay matagumpay na nai-submit, at ang iyong pera ay mapupunta sa iyong account pagkatapos ng isang araw.

Pero, ilalagay nila ang iyong order under review hangga’t panuorin mo ang 30 pa na videos, ngayon ay kailangan mo na namang kumpletuhin ang panibagong requirement nila.


At sa oras na makumpleto mo ito ay bibigyan ka na naman ng panibagong gawain na para makumpleto!

 
25 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page