top of page

Libreng Robux sa paglalaro sa app na ito? Mystery Coin Box - Fake or Legit?

Updated: Dec 24, 2022



Makakuha ng higit sa 10,000 na libreng Robux na maari mong mailipat sa iyong Roblox game account. Ang Mystery Coin box ay isang app kung saan inaakit nila ang kanilang mga manlalaro na maari silang makakuha ng Robux sa paglalaro lamang sa app na ito.


Ang ganitong klaseng oportunidad na ito ay mas mahirap paniwalaan, dahil para makakuha ng ganitong halaga ng Robux ay kinakailangan mong maglabas ng halos 5,000 PHP para makabili nito sa mismong official na Roblox website.


Aakalain mo sa umpisa na poara makuha mo ang sinasabi nilang libreng Robux ay kinakailangan mo lang maglaro ng iba't-ibang uri ng games sa kanilang app.


Pero! Hindi iyon ang talagang kinakailangan nila mula sayo. Alamin natin kung paano nga ba talaga gumagana ang Mystery Coin Box. Totoo nga ba na ang kanilang rewards na Robux para sa mga players?

Alamin natin!


Ano nga ba ang Mystery Box?

Ang mystery coin box ay isang reward app kung saan kinakailangan mong maglaro upang makakuha ng libreng Robux.


Ang Robux ay isang virtual currency mula sa Roblox na maari mong gamitin para makabili ng skins, items at iba pang mga features sa larong Roblox.


Sa kasamaang palad, marami ang hindi kayang bumili ng Robux sa mismong site dahil sa kamahalan nito! At dito na papasok ang Mystery Coin Box, na nagsasabing ang kanilang mga manlalaro ay makakakuha ng libreng currency kapag sila ay nakakolekta ng 10k na Robux rewards sa app na i to.


Kaya hindi nakapagtataka na ito ay mayroon higit na 1 milyong install sa Play Store!


Paano gumagana ang Mystery Coin box?

Ang Mystery Coin Box ay maaring mai-download sa Play store sa buong mundo at gumagana din ito sa kahit nong klase ng Android device.


Pagkatapos mong buksan ang app, ito ay magpapakita ito ng mga simpleng steps para makakuha ka ng 10,000 Robux ng libre. Pindutin ang "Start" button, at ikaw ay makakkuha ng 2,000 Robux sa pamamgitan lang ng pagsali sa app.


Hinahalina nito ang kanilang mga users na mangolekta ng diamonds na pwedeng din ipalit bilang Free Robux kapag ito ay umabot sa 10,000.


Pag nabuksan mo na ang app ay makikita mo ang isang blog page na nagtataglay ng mga articles at advertisements. Para ma-access mo ang mga laro ay kinakailangan mong pindutin ang "Game" tab sa itaas na bahagi ng page.


Pagkatapos mong buksan ang tab na ito, makikita mo ang iba't ibang kategorya ng laro tulad ng: hit, casual, sports, adventure and kids.


Kapag pinindot mo ang kahit isa sa mga option na ito ay lalabas ang isang page na punong-puno ng mga banner. Meron itong "Play" button na nakatago sa pagitan ng banners na may mga buttons.


Maraming mga player ang nagkakamali ng pagpindot sa banner na ito na siyang nagbibigay ng benepisyo sa mga developers at advertisers.

Ang sistema ay hindi ka sa paglalaro ng games makakakuha ng Robux, kinakailangan mong pindutin ang Roblox na logo sa gilid ng screen kung saan mayroong lalabas na video o patalastas na dapat mong panuorin para sa rewards.


Maaari mo ding ma-trigger ang rewards sa pag-tap ng treasure chest na nakalutang sa screen at siyempre, panuorin ang video na nakalakip dito.


Karamhihan ng mga video ay mga walang saysay na palatastas tungkol sa mga applications na nagaalok ng pera sa paglalaro lamang.

Mayroon ka ding diamonds na makukuha sa iyong account kada segundo na ginagamit mo ang app, kung nag ii-scroll ka man o naglalaro.


Meron din itong feature kung saan maari kang makakolekta ng mga Roblox skins. Kinakailangan mong manuod ng 2 videos para buksan ang isang mystery box na nagtataglay ng isang random na piraso ng skin na pwedeng gamitin sa Roblox na app.


Maari mo lang ma-claim ito kapag ikaw ay nakaipon na ng 100 piraso nito!


Pagkuha ng Robux

Sa oras na umabot ang iyong Robux balance sa 10,000, pindutin ang "Redeem" button sa taas, susundan ito ng pangalawang "Redeem" na button. Ayon sa developer ang game currency ay mapupunta sa iyong Roblox account sa loob lang ng 1 minuto.


Totoo ba na makakakuha ka ng Free Robux sa Mystery Coin Box?

Hindi totoo na maari kang makapag transfer ng malaking halaga ng Robux sa iyong game account. Isa lang itong pakulo para akitin ang mga tao na makilahok sa nakakapagod na gawain na panunuod ng video. Dahil sa panunuod ng video ay nakakakuha ang developers ng kikitain mula sa mga advertisers.


Ang iyong makukuhang rewards ay bumababa habang palapit ka na sa target na 10,000 Robux or 1000,000 na diamonds. Nakakagulat pa na kung meron ka na lang isang Robux na kulang sa target , makakakuha ka ng rewards na nagkakahalagang 0.1 Robux.


Ang mas malala pa dito, sa oras na maabot ang goal at pindutin ang "redeem", kinakailangan mong manuod ilang mga videos. Kinumpleto mo ang kinakailangang mga gawain, para lang malaman na may kinakailangan ka pang panuorin na mga videos. Nakakawalang gana!


May iba pa na nagsabi na nagantay sila ng mahigit 2 buwan, para lang sa mensahe na galing sa Mystery Coin Box na ang kanilang Robux ay nalipat na sa kanilang Roblox account.


Sa kasamaang palad, hindi ito totoo at hindi sila nakakuha ng ni-isang Robux!


Konklusyon

Ang mystery coin box, is maaring mapabilang sa mga pinakamasamang tipo ng application na maaring mong i-install sa iyong device.


Inuudyok nila ang mga tao na manuod ng walang katapusang mga palatastas na nagbibigay benepisyo sa mga developer, habang walang ibinibigay na kahit magkanong Robux sa mga manlalaro.

 

Kung nais mong maglaro at manalo ng totoong pera, subukan mo ang Jili178! Maglaro ng iba't-ibang games tulad ng slot machines, fishing games, poker at marami pang iba!





10 views0 comments

Comments


bottom of page